Tuesday, February 5, 2008

TATSULOK




TATSULOK (Buklod)

Totoy bilisan mo,
bilisan mo ang takbo
Ilagan ang mga bombang
nakatutok sa ulo mo
Totoy tumalon ka, dumapa kung kailangan
At baka tamaan pa ng mga balang ligaw.

Totoy makinig ka, wag kang magpa-gabi
Baka mapagkamalan ka’t
humandusay dyan sa tabi
Totoy alam mo ba kung ano
ang puno’t dulo
Ng di matapos-tapos na kaguluhang ito.

Refrain: Hindi pula’t dilaw tunay na magkalaban
Ang kulay at tatak ay di syang dahilan
Hangga’t marami ang lugmok sa kahirapan
At ang hustisya ay para lang sa mayaman


Chorus: Habang may tatsulok at sila ang nasa tuktok
Di matatapos itong gulo.

Iligtas ang hininga ng kay
raming mga tao
At ang dating munting bukid, ngayo’y sementeryo
Totoy kumilos ka, baliktarin ang tatsulok
Tulad ng mag dukha, na ilagay mo sa tuktok.

Refrain: Hindi pula’t dilaw tunay na magkalaban
Ang kulay at tatak ay di syang dahilan
Hangga’t marami ang lugmok sa kahirapan
At ang hustisya ay para lang sa mayaman

Chorus:Habang may tatsulok at sila ang nasa tuktok
Di matatapos itong gulo.

No comments: